Poon, mayaman Ka sa ’min
1
|
Poon, mayaman Ka sa ’min, Pag-ibig anong lalim! Sarili Mo’y kay sagana, Ika’y aming tamasa. |
2
|
Ika’y Salita at Diyos pa, Una pa’y Diyos kasama, Naging laman, naging tao Diyos sinabi sa tao. |
3
|
Tabernakulo ng Diyos Ka, Sa Iyo glorya’y nakita; Tunay na templo ng Diyos Ka, Sa Iyo, Diyos nakatira. |
4
|
Bugtong na Anak ng Diyos Ka, Inihayag ang Ama; Buhay ng Diyos aking angkin, Kalikasan Niya’y akin. |
5
|
Anak ng Tao tulad ko Likas ng tao sa Iyo, Maging Anak ng Diyos ako Mapunan ng glorya Mo. |
6
|
Mesiyas na pinahiran, Panginoon ng tanan; Lahat na nasa lahat Ka, Sa tao’t Diyos tinakda. |
7
|
Manliligtas na napako, Dugo’t tubig nabubo; Nang tayo’y matubos ng Diyos, Taglay ang buhay ng Diyos. |
8
|
Hesus na nal’walhati na, ’Spiritu’y pinababa; ’Spiritung nagpalo’b tanan, Ika’y katamasahan. |
9
|
Dibinong Ilaw ng buhay, Sa dilim nagtatanglaw; Puso ko’y niliwanagan, Nang ako’y mapuspusan. |
10
|
Buhay ng Diyos na dibino, Bumuhay sa ’spiritu; Laya na sa kamatayan, Tamasa’y kayamanan. |
11
|
Ika’y realidad ng Diyos, Kaluguran din ng Diyos; Realidad Mo sa amin, Di maubos gamitin. |
12
|
Tanging daan ng buhay Ka, Nagdala sa glorya; Daan ng realidad Mo, Tagumpay dulot nito. |
13
|
Pagkabuhay-na-muli Ka, Kam’tayan dinaig na; Sa kapangyarihan nito, Kasama Kitang lalo. |
14
|
Walang dungis na Kordero, Naging katubusan ko; ’Spiritung nagbigay-buhay, Buhay aking mataglay. |
15
|
Tansong ahas na ’tinaas Sa sala ’ko’y niligtas; Sa krus Ikaw nga’y pinako, Nang mawasak ang dyablo. |
16
|
Nagpalaya sa kulungan, O Pastol at pintuan! D’hil sa Iyo may kalayaan, Pahinga sa pastulan. |
17
|
Kami ay Iyong nilinisan, Tulad sa hugasan; Ingatan sa salam’ha, Tamasa Iyong biyaya. |
18
|
Batong nabiyak sa amin, Tubig buhay ’daluyin; Inuming tubig, sariwa Sa gapos mapalaya. |
19
|
Ika’y bukal makalangit, Tubig na buhay tigib; Iniinom ang buhay Mo, Uhaw ay pinawi Mo. |
20
|
Tinapay mula sa langit, Dibino’t napalapit; Dala’y kasaganaan Mo, Binusog ’spiritu ko. |
21
|
Hininga ng buhay namin, Ika’y dapat langhapin; Sa Iyo’y mamuhay, gumawa, Katamasahan Ka nga. |
22
|
Butil ng trigong namatay, Sa l’walhati nabuhay; Tayo’y Kanyang ibinunga, Katawang mahiwaga. |
23
|
Punong-ubas na dibino, Kami’y mga sanga Mo; Sa Iyo’y inugpong, tumira, Tanan Ka ngang tamasa. |
24
|
Kasintahang-Lalake Ka, Kami nama’y Iyong Nobya; Sa ’spiritu nagkaisa, Tamasa’y Iyong pagsinta. |
25
|
’Tanaw ni Jacob na hagdan, Langit sa Iyo’y nabuksan; Lupa’t langit walang hadlang, Sa Diyos, kami’y tahanan. |
26
|
Poon, dakilang “AKO NGA” Kailangan ko’y Iyong kaya; Tamasahin bilang lahat, Layon ng Diyos matupad. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?