Purihin Ka sa Iyong awa
1
|
Purihin Ka sa Iyong awa, Kay lalim, kay dakila Sa ’ming kabigua’t hina, Habag Mo ay sagana. Awa Mo’y nagtaas sa ’min, Dapat Ka ngang sambahin. |
2
|
Mangha kami sa Iyong awa, Ang abot ay kay haba! Sa aming makasalanan, Habag Mo’y tumatangan. Anong makapaghiwalay Sa habag Mong ’binigay? |
3
|
O salamat sa Iyong awa, Kay yaman, kay sagana; Sa awang may katubusan, Kami’y naalagaan. Anong pag-ibig matamo Kung di nga sa awa Mo? |
4
|
Iyong habag may inspirasyon, Matamis, mahinahon! Sa Iyong habag natugunan, Lahat naming kailangan. Kalubusan ng Iyong awa, Aming minahalaga. |
5
|
Tinatamasa Iyong awa, Laging bago’t sariwa Gaya’y hamog sa pagdating Bawa’t umaga sa ’min. Purihin Ka sa Iyong awa, Nakapananariwa! |
6
|
Di mapatid ang papuri, Sa awang namalagi. Iyong biyaya’t pag-alaga, Awa Mo’y nagtalaga. Kailanma’y di mapahiya, Sa ma’asahang awa! |