Nangingibabaw Ka nga

1
Nangingibabaw Ka nga,
Kay banal na Isa;
Walang makagagaya,
Walang katumbas Ka.
Pinakabanal Ka rin,
Aming tatawagin.
Iyong lakas, kalikasan
Lahat nalampasan.
2
Bukod tangi at banal,
Di lamang dalisay;
Bagkus may kasakdalan,
Walang kapintasan.
Wala sa Iyong mai-hambing,
Ni makalapit din
Sa Iyo’y paglapastangan
Ang Ika’y halinhan.
3
Wala nang hihigit pa,
Pinakamaganda;
Walang maihahambing,
Pinakamagaling.
Nangibabaw Iyong buti,
Ito’y natatangi.
Ganda’y walang katulad,
Lampas Ka sa lahat.
4
Naibigay Mo na rin.
Kabanalan sa’min
Kalikasang nai’ba,
Aming bahagi na.
Nangibabaw gaya Mo,
Magsinlikas tayo.
Kabanalan ay sundin,
Iyong pakabanalin.
5
Nangibabaw sa lahat,
Kabanalang sagad;
Ano pang sasabihin,
Purihin, sambahin!
Kami’y nabahaginan,
Ng Iyong kalikasan,
Handugan Kang papuri,
Namumukod-tangi.