Laging lunti, aming Ama
1
|
Laging lunti, aming Ama Walang pagkalanta; Panginoong walang hanggan, Walang kasiraan! |
Ama, Diyos ng kabaguhan, Walang kalumaan; At ang Iyong kasariwaan Ay magpakailanman. |
|
2
|
Ika’y Diyos na “bago”, Ama, Kung wala Ka’y luma; Sa Iyo, walang maging laon Nang habang panahon. |
3
|
Biyaya Iyong ibinigay Kabaguha’y taglay; Bagong tipan, bagong daan, Walang katapusan. |
4
|
Kami’y bagong nilikha Mo, Bagong pagkatao, Araw-araw nababago, Bagong buhay’t anyo. |
5
|
Bagong langit, bagong lupa, At bagong lunsod nga; Buwan-buwan ay may bagong bunga Na matatamasa. |
6
|
Ama, Diyos na laging bago, Puri’y di hihinto, Walang hanggang aawitin: Ama ay purihin! |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?