Sabay-sabay na awitan
1
|
Sabay-sabay na awitan, Kordero’y purihin; Kung may isang libong dila, Awit isa rin nga. |
2
|
O umakyat na Kordero, Dapat purihin ko; Aming ipagsigawan na, Karapat-dapat Ka! |
3
|
Hesus, karapat-dapat Ka, Tumanggap ng glorya; Pagpalang higit ma’bigay, Kailanma’y Iyong taglay. |
4
|
Aakyat din mga banal, Papuri’y itanghal; Tanan sa silong ng langit, Patuloy aawit. |
5
|
Mga tinubos nagkai-sa, Pumuri sa Kanya; Siyang nakaluklok sa trono, Ibunyi Kordero. |