Nangingibabaw Ka nga

B15 C10 CB15 E15 G15 K10 P14 R11 S9 T15
1
Nangingibabaw Ka nga,
Kay banal na Isa!
Walang makagagaya,
Walang katumbas Ka!
Pinakabanal Ka rin
Aming tatawagin!
Iyong lakas, kalikasan
Lahat nalampasan!
Nangingibabaw Ka nga,
Kay banal na Isa!
Walang makagagaya,
Walang katumbas Ka!
Pinakabanal Ka rin
Aming tatawagin!
Iyong lakas, kalikasan
Lahat nalampasan!
2
Bukod tangi at banal,
Di lamang dalisay;
Bagkus may kasakdalan,
Walang kapintasan.
Wala sa Iyong mahambing,
Ni makalapit din;
Sa Iyo'y paglapastangan
Ang Ika'y halinhan.
Bukod tangi at banal,
Di lamang dalisay;
Bagkus may kasakdalan,
Walang kapintasan.
Wala sa Iyong mahambing,
Ni makalapit din;
Sa Iyo'y paglapastangan
Ang Ika'y halinhan.
3
Wala nang hihigit pa,
Pinakamaganda,
Walang maihahambing,
Pinakamagaling.
Nangibabaw Iyong buti,
Ito'y natatangi.
Ganda'y walang katulad,
Lampas Ka sa lahat.
Wala nang hihigit pa,
Pinakamaganda,
Walang maihahambing,
Pinakamagaling.
Nangibabaw Iyong buti,
Ito'y natatangi.
Ganda'y walang katulad,
Lampas Ka sa lahat.
4
Kay tayog kabanalan
Sa amin hinanda,
Naibang kalikasan
Aming bahagi na.
Nangibabaw gaya Mo,
Magsinlikas tayo;
Buhay Mong banal sundin
Paglago'y puspusin.
Kay tayog kabanalan
Sa amin hinanda,
Naibang kalikasan
Aming bahagi na.
Nangibabaw gaya Mo,
Magsinlikas tayo;
Buhay Mong banal sundin
Paglago'y puspusin.
5
Papuri at pagsamba
Sa Iyong kabanalan,
Matayog kalikasan,
Di Ka mapantayan.
Kalikasan Mong tangi —
Aming nabahagi;
Banal na kalikasan
Amin kailanpaman.
Papuri at pagsamba
Sa Iyong kabanalan,
Matayog kalikasan,
Di Ka mapantayan.
Kalikasan Mong tangi —
Aming nabahagi;
Banal na kalikasan
Amin kailanpaman.