Sa atin ang Diyos nga ay nagkaloob

Cs451 E1211 T1211
1
Sa atin ang Diyos nga ay nagkaloob,
Manalig, kapangyarihan, pangako;
Nanalig, tumanggap, tatlo’y natamo
Sa ganito ay gugulang, lalago.
Sa atin ang Diyos nga ay nagkaloob,
Manalig, kapangyarihan, pangako;
Nanalig, tumanggap, tatlo’y natamo
Sa ganito ay gugulang, lalago.
2
Pananampalatayang mahalaga,
Walang hanggan tayong nahahawakan,
Sang-ayon ma’t hindi, hinahawakan
Araw-araw hanggang sa walang hanggan.
Pananampalatayang mahalaga,
Walang hanggan tayong nahahawakan,
Sang-ayon ma’t hindi, hinahawakan
Araw-araw hanggang sa walang hanggan.
3
Dakilang pinagmulan, kapangyar’han,
Gumagawa sa ’tin kapangyarihan,
Buhay para sa ating kalooban,
Pagkamakadiyos ay sa kahayagan.
Dakilang pinagmulan, kapangyar’han,
Gumagawa sa ’tin kapangyarihan,
Buhay para sa ating kalooban,
Pagkamakadiyos ay sa kahayagan.
4
Pangako, bahagi ng tinawag Niya,
Pangako, dakila at mahalaga;
Kalikasan ng Diyos bahagi natin,
Sa kabulukan ng mundo’y ligtas din.
Pangako, bahagi ng tinawag Niya,
Pangako, dakila at mahalaga;
Kalikasan ng Diyos bahagi natin,
Sa kabulukan ng mundo’y ligtas din.
5
Kristo’y lakas sa espiritu natin,
Siyang Salita — pangako ng Diyos natin;
Espiritu’t Salita, kaugnayin,
Lalago pagtawag, basa’t dalangin.
Kristo’y lakas sa espiritu natin,
Siyang Salita — pangako ng Diyos natin;
Espiritu’t Salita, kaugnayin,
Lalago pagtawag, basa’t dalangin.
6
Pananampalataya, kapangyar’han,
Pangako, tatlo’y ating kagamitan;
Lalago ang binhi ng pananalig,
Hahantong maging bunga ng pag-ibig.
Pananampalataya, kapangyar’han,
Pangako, tatlo’y ating kagamitan;
Lalago ang binhi ng pananalig,
Hahantong maging bunga ng pag-ibig.
7
Sa paglago ng binhi, marami nga
Panginoong Hesus magkakabunga.
Panginoon pa rin ang pinagmulan
Kaya hindi dapat Siyang kalimutan.
Sa paglago ng binhi, marami nga
Panginoong Hesus magkakabunga.
Panginoon pa rin ang pinagmulan
Kaya hindi dapat Siyang kalimutan.
8
Kasipagan, araw-araw lalago,
Kasigasigan, paghirang, pihado
Sa binhing ito makipagkaisa,
Kahariang mayaman pasukin nga.
Kasipagan, araw-araw lalago,
Kasigasigan, paghirang, pihado
Sa binhing ito makipagkaisa,
Kahariang mayaman pasukin nga.
9
Sarili namin sa Iyo binibigay,
Pananalig, lakas Mo’y ipamuhay,
Pangako Mo aming panghawakan pa,
Sa Iyong biyaya kami’y makiisa.
Sarili namin sa Iyo binibigay,
Pananalig, lakas Mo’y ipamuhay,
Pangako Mo aming panghawakan pa,
Sa Iyong biyaya kami’y makiisa.