Sa laksang tao Siya’y higit
1
|
Sa laksang tao Siya’y higit, Pag-ibig Niya! Mas mainit sa kapatid, Pag-ibig Niya! Tao sa ’tin umaayaw, Ngayo’y aliw, bukas panglaw; Siyang Kaibigang may ilaw: Pag-ibig Niya! |
2
|
Tamasa ko’y lusog, laya, Pag-ibig Niya! Isipin utang sa Kanya, Pag-ibig Niya! Sa dugo, binili ako, Sa ilang, hinanap ako, Sa kawan inuwi ako: Pag-ibig Niya! |
3
|
Hesus kaibigang tunay, Pag-ibig Niya! Pagpala Kanyang binigay, Pag-ibig Niya. Puso tumingin sa Kanya, Nang ako’y makapahingan; Bakit sa Kanya tatanggi pa? Pag-ibig Niya! |
4
|
Aking sala’y napatawad, Pag-ibig Niya! Naghanda sa ’kin ng hapag, Pag-ibig Niya! Pinaka’buting pagpala, Pawang buti walang sama; Gabay ko hanggang sa glorya: Pag-ibig Niya! |
(Isinalin mula sa Intsik) |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?