Zum Inhalt springen
hymnal.net
hymnal.net
Meine Lieder

Krist’yano, magmadali at humayo

PAGPAPAHAYAG NG EBANGHELYO PINAPADALA ANG MABUTING BALITA

Tagalog918
1
Krist’yano, magmadali at humayo,
Ipahayag ang pag-ibig ng Diyos,
Naganap na ang kaligtasan, kamo,
Ibig ng Diyos lahat ay matubos.
 
Ang ebanghelyo’y ipahayag,
Hesus ang magliligtas,
iyong ibunyag.
2
Angaw na tao’y nasa kasalanan,
Ginapos, inalipin ng Diyablo,
Walang nagbalita ng kaligtasan,
Namatay at nabuhay si Kristo.
3
Ililigtas Niya ang bihag ng sala,
Lahi ni Adam ay tinapos Niya,
Nang maakit ang taong maniwala,
Sa panganib huwag tayong mangamba.
4
Bawa’t lahi, wika, bansa, at tao,
Ebanghelyo ng biyaya’y bigyan,
Diyos ay nagkatawang-tao’t napako,
Nang tao ay muling-maisilang.
5
Huwag hadlangan ang anak mong maghain,
Mag-alay ka pati ng iyong yaman,
Ebanghelyo’y manaig, idalangin,
Iyong punyagi’y gagantimpalaan.
6
Malapit na ang pagbalik ni Hesus,
Iyong samantalahin ang paggawa,
Wala sanang di makalapit sa Diyos,
Dahil sa ating pagkapabaya.

Kommentar löschen

Diesen Kommentar löschen? Das kann nicht rückgängig gemacht werden.