1
                            May wika ba para sa ’kin,
Nang mabigkis ako sa Iyo,
Upang masama’y mawaksi;
Isang wika mula sa Iyo?
                                                              
                                                                                                Nang mabigkis ako sa Iyo,
Upang masama’y mawaksi;
Isang wika mula sa Iyo?
2
                            Isang wikang maglalantad,
Kung ga’no kahina ako,
Hikbi’t pagal, walang saysay;
Isang wika mula sa Iyo.
                                                              
                                                                                                Kung ga’no kahina ako,
Hikbi’t pagal, walang saysay;
Isang wika mula sa Iyo.
3
                            Isang wikang maglalahad,
Sa akin ay kay talik Mo;
Bumahagi sa Iyong buhay;
Isang wika mula sa Iyo.
                                                              
                                                                                                Sa akin ay kay talik Mo;
Bumahagi sa Iyong buhay;
Isang wika mula sa Iyo.
4
                            Isang wikang kalakasan,
Sa pusong may panlulumo,
Munting tinig na kay linaw;
Isang wika mula sa Iyo.
                                                              
                                                                                                Sa pusong may panlulumo,
Munting tinig na kay linaw;
Isang wika mula sa Iyo.
5
                            Isang wikang matagumpay;
Pag-asa sa Iyong pangako,
Na manahan Kang kaisa;
Isang wika mula sa Iyo.
                                                              
                                                                                                Pag-asa sa Iyong pangako,
Na manahan Kang kaisa;
Isang wika mula sa Iyo.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?