Zum Inhalt springen
hymnal.net
hymnal.net
Meine Lieder

Di ’pinangako ng Diyos mahal

PAG-ALIW SA MGA PAGSUBOK DAHIL SA BIYAYA PARA SA PAGDURUSA

Tagalog720
1
Di ’pinangako ng Diyos mahal,
Na parating langit ay bughaw;
Panay bulaklak buong buhay
Payapang walang sakit taglay.
 
Nguni’t pinangako ng Diyos na,
Sa pag’pagal ay may pahinga;
Sa pagsubok, tulong, biyaya
Ilaw sa daan, simpati-ya.
2
Di ’pinangako ng Diyos natin,
Dusa’t pagsubok di danasin;
Walang bigat, walang pasanin,
Walang gulo’t alalahanin.
3
Di ’pinangako ng Diyos tapat,
Daang walang bako’t malapad;
Bundok di matirik, mabato
Ilog di malalim, malabo.

Kommentar löschen

Diesen Kommentar löschen? Das kann nicht rückgängig gemacht werden.