Zum Inhalt springen
hymnal.net
hymnal.net
Meine Lieder

Sulong! ang sigaw ko

PAGHIKAYAT PARA MAGTUMULIN

Tagalog663
1
Sulong! ang sigaw ko,
Sabay ang hakbang;
Sa layon patungo,
Lahat talikdan.
Apoy na haligi,
Tanglaw sa daan,
Huwag mag-atubili,
Kristo’y sa unahan.
Sa ilang dumaan
At sa labanan,
Kita na’ng Canaan,
Ang Sion maratnan.
2
L’walhati’t l’walhati,
Handa ng Ama;
Mayro’n kang bahagi
Kung mahal mo Siya.
Di mo pa nakita,
Di pa narinig,
Handa Niyang sagana,
Di pa naisip.
Sulong, sulong hanggang
Sa kaharian,
Dating inasahan
Ay katunayan.
3
Sulong, malapit na
Ang kaharian;
Iyong matatamasa
Ang kabaguhan.
Putong mal’walhati
Ang makamtan mo,
Ika’y maghahari
K’sama ni Kristo.
Sulong! Iyong tapusin
Ang paglalakbay,
Lakas Niya’y gamitin,
Magtatagumpay.

Kommentar löschen

Diesen Kommentar löschen? Das kann nicht rückgängig gemacht werden.