Mahal kong Banal na Aklat

E805 T805
1
Mahal kong Banal na Aklat,
B'yaya't pagtubos 'nilahad;
Liham ng Pag-ibig Ni-ya,
Salamin ng Kanyang mukha.
Mahal kong Banal na Aklat,
B'yaya't pagtubos 'nilahad;
Liham ng Pag-ibig Ni-ya,
Salamin ng Kanyang mukha.
2
Aklat na 'king iniibig,
Tseke ng bangko sa langit;
Titulong pamana sa 'kin,
Testamento Niya't habilin.
Aklat na 'king iniibig,
Tseke ng bangko sa langit;
Titulong pamana sa 'kin,
Testamento Niya't habilin.
3
Banal na Aklat, mahal ko,
Gaya Ka ng teleskopyo,
Nang darating ay makita
Mga l'walhati't himala.
Banal na Aklat, mahal ko,
Gaya Ka ng teleskopyo,
Nang darating ay makita
Mga l'walhati't himala.
4
Mahal kong banal na Aklat,
Gabay sa panlupang lakad;
Sa kadiliman ay tanglaw
Liwanag sa araw-araw.
Mahal kong banal na Aklat,
Gabay sa panlupang lakad;
Sa kadiliman ay tanglaw
Liwanag sa araw-araw.