Ako'y nagagalak sa 'ting Ama
1
|
Ako'y nagagalak sa 'ting Ama, Nilahad pag-ibig Niya sa Bibl'ya; Pambihirang bagay ang natalos: Kay giliw, mahal ako ni Hesus. |
Ako'y nagagalak nang lubos, Ako ay mahal ni Hesus; Ako'y nagagalak nang lubos, 'Ko'y mahal ni Hesus. |
|
2
|
Malimot ko man Siya't gumagala, Mahal pa rin Niya kahit nawala; Babalik sa Kanyang mga bisig, 'Pag maalala Kanyang pag-ibig. |
Ako'y nagagalak nang lubos, Ako ay mahal ni Hesus; Ako'y nagagalak nang lubos, 'Ko'y mahal ni Hesus. |
|
3
|
Kung aawiti'y iisang himig, Sa aking Haring kaibig-ibig; Ang awit kong di na matatapos, "Kay hiwaga, 'ko'y mahal ni Hesus" |
Ako'y nagagalak nang lubos, Ako ay mahal ni Hesus; Ako'y nagagalak nang lubos, 'Ko'y mahal ni Hesus. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?