Lihim aking natutuhan
1
|
Lihim aking natutuhan Kay Hesus ay manahan; Bukal ng buhay natikman, Nang salita'y manamnam. Nang sa dugo Niya manahan, Lakas, tamis, nakamtan; Sarili ko'y lubusan na Kay Hesus nga'y nawala. |
Sa Kanya ay manahan, Salita'y aasahan, Kanyang pag-ibig ang aking kublihan. Oo, sa Kanya'y manahan, Salita'y aasahan, Kanyang pag-ibig ang aking kublihan. |
|
2
|
Kasamang sa krus napako, Nabubuhay di na 'ko; Sikap ko lahat nahinto, 'Tahan Siya sa loob ko. Sa Kanya ako'y sumuko, Maghari Espiritu; Bawa't saglit Kanyang dugo, Nililinisan ako. |
3
|
Karamdaman, katakutan, Maging kapighatian, Bawa't araw Siya'ng sabihan, At Kanyang pinapasan. Hininga ko't kalakasan, Pag-ibig at isipan, Maging pananalig, buhay, Sa akin Siya'ng nagbigay. |
4
|
Sa salita at gawain Espiritu'y gamitin; Presensiya Niya sa 'king gawi, Ako'y gabayan lagi. Sa puso ko, bahagi Siya, O bukal na sagana; Tagapagligtas ko't Hari, Pangino'ng mal'walhati. |