跳到内容
hymnal.net
hymnal.net
我的诗歌列表

已达下载上限

Kay tamis ang magtiwala

PAGDARANAS KAY KRISTO NAGTITIWALA SA KANYA

Tagalog568
1
Kay tamis ang magtiwala
Kay Hesus na Salita,
Mamahinga sa pangako,
Siya ang maysabi nito.
 
Hesus, Hesus, kay tapat Mo,
Subok ko ang totoo,
Hesus, Hesus, ang mahal ko,
Kailanma'y di nambigo.
2
Ang magtiwala—kay tamis,
Sa dugong makalinis,
At makagaling na batis,
Sala't sakit inalis.
3
Si Hesus pagtiwalaan,
Kasalana'y layuan;
Tanggapin ang biyaya Niya:
Buhay, galak, pahinga.
4
Kay galak ang magtiwala
At laging sumasama;
Kay Hesus na Manliligtas,
Tapat hanggang sa wakas.

Delete Comment

要删除此留言吗?此动作无法复原。