Sa Iyo manahan—ang aking samo

B329 C420 E563 F104 K420 P289 S263 T563
1
Sa Iyo manahan—ang aking samo,
Sa Iyo manahan walang paghinto,
Kung paano ang sanga sa puno,
Ako rin ay nakaugnay sa Iyo.
Sa Iyo manahan—ang aking samo,
Sa Iyo manahan walang paghinto,
Kung paano ang sanga sa puno,
Ako rin ay nakaugnay sa Iyo.
2
Sa Iyo manahan—ang tamasa ko,
Sa 'kin umapaw kayamanan Mo,
Sanga ay manatiling sariwa
Nang saganang makapamumunga.
Sa Iyo manahan—ang tamasa ko,
Sa 'kin umapaw kayamanan Mo,
Sanga ay manatiling sariwa
Nang saganang makapamumunga.
3
Sa Iyo manahan—tiyak pagwagi
Laban sa mga sala't sarili;
Sa Iyo ako'y nakisalamuha,
Kilos ng kalulwa'y masawata.
Sa Iyo manahan—tiyak pagwagi
Laban sa mga sala't sarili;
Sa Iyo ako'y nakisalamuha,
Kilos ng kalulwa'y masawata.
4
Sa Iyo manahan, mithi Mo'y talos,
Kapayapaa't galak bumuhos;
Presensiya at lihim Mo'y ilahad,
At Iyong Salitang tustos sa lahat.
Sa Iyo manahan, mithi Mo'y talos,
Kapayapaa't galak bumuhos;
Presensiya at lihim Mo'y ilahad,
At Iyong Salitang tustos sa lahat.