Si Kristo ang aking lahat

B307 C386 CB530 E530 F95 G530 K386 P259 T530
1
Si Kristo ang aking lahat,
Buhay at taguyod.
Aking lakas; kung wala Siya
Ako'y matitisod.
Kung may lumbay, Siya'y lapitan,
Si Hesus ang kagalakan.
Aliw sa 'king kalooban;
Kaibigan!
Si Kristo ang aking lahat,
Buhay at taguyod.
Aking lakas; kung wala Siya
Ako'y matitisod.
Kung may lumbay, Siya'y lapitan,
Si Hesus ang kagalakan.
Aliw sa 'king kalooban;
Kaibigan!
2
Si Kristo ang aking lahat,
Tulong sa pagsubok,
Nagpapala, nag-'alaga,
Laging kumukupkop.
Ula't, araw padala Niya,
Ani't tustos masagana,
Gintong palay, Kanyang bigay;
Kaibigan!
Si Kristo ang aking lahat,
Tulong sa pagsubok,
Nagpapala, nag-'alaga,
Laging kumukupkop.
Ula't, araw padala Niya,
Ani't tustos masagana,
Gintong palay, Kanyang bigay;
Kaibigan!
3
Si Kristo ang aking lahat,
Tagapagbiyaya;
Sa Kanya 'ko'y maging tapat,
Di ko Siya matatwa.
Sundin ko Siya, panay wasto,
Binantayan akong husto,
Araw-gabi, sundin ko Siya,
Kaibigan!
Si Kristo ang aking lahat,
Tagapagbiyaya;
Sa Kanya 'ko'y maging tapat,
Di ko Siya matatwa.
Sundin ko Siya, panay wasto,
Binantayan akong husto,
Araw-gabi, sundin ko Siya,
Kaibigan!
4
Si Kristo ang aking lahat,
Wala Siyang kapantay,
Nais ko Siyang makaugnay,
'Di na mawawalay.
Kay inam ng aking buhay,
Kaibigang napakahusay,
Walang hanggan kong kaakbay,
Kaibigan!
Si Kristo ang aking lahat,
Wala Siyang kapantay,
Nais ko Siyang makaugnay,
'Di na mawawalay.
Kay inam ng aking buhay,
Kaibigang napakahusay,
Walang hanggan kong kaakbay,
Kaibigan!
1
Pelitz

O Panginoong Hesus! Pinupuri kita simula't sapol hangang ngayon at bukas Ikaw ay ang aking lahat sa lahat ni walang kapantay.