Dati'y pagpapala
1
|
Dati'y pagpapala, Si Kristo ngayon; Damdamin no'ng una, Salita ngayon; Paggamot ninais, Ngayo'y Siya Mismo; Kal'ob di maparis Sa Nagkaloob. Purihin si Kristo- Ang lahat-lahat; Na kay Kristo ang lahat, At si Kristo'y lahat. |
2
|
Dati'y pagsisikap, Ngayo'y tiwala; Dati'y sala't hirap, Ngayo'y ligtas na; Dati'y tumatangan, Tinangnan ngayon; Dati'y lumulutang, Matatag ngayon. |
3
|
Dati'y panukala, Dalangin ngayon; No'n nababalisa, Panatag ngayon; Dati'y ang hilig ko, Wika Niya ngayon; Dati ay pagsamo, Pagpuri ngayon. |
4
|
Dati'y aking gawa, Ngayo'y gawa Niya; Dati'y gamit ko Siya, Ngayo'y gamit Niya; Lakas ang hanap no'n, Siya'ng lakas ngayon; Sa sarili noon, Kay Hesus ngayon. |
5
|
No'n umaasa pa, Akin tiyak ngayon; No'n ilaw nagbawa, Maningning ngayon; Nais mamatay no'n, Nag-'abang ngayon; Darating Pangino'n, Di maglalaon. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?