Nang di makitang ganda Niya
1
|
Nang di makitang ganda Niya, Buhay bagot, walang lasa; Magandang ibon, bulaklak, Pawang naglaho ang rilag. Di maliwanag ang araw, Mga bukirin mapanglaw; Nang sa Kanya'y 'galak ako, B'wang Disyembre tila Mayo. |
2
|
Ngalang pinakamasamyo, Tinig pinakamatamis; Presensya Niya'y kaaliwan, Nagbigay ng kaluguran. Kung ganito Siyang katalik, Walang ibang gusto't hilig; Walang singgalak kong tao, Buong taon tagsibol ko! |
3
|
Mapagmasdan lang mukha Niya, Tamis aking nadarama; Anuman ang pangyayari, Layon ko'y mananatili. Madama lang pag-ibig Niya, Palasyo ay laruan na; Piitan naging palasyo, Basta't kasama si Kristo. |
4
|
Panginoon kung ako'y Iyo, Kung Ika'y awit, araw ko, Bakit lupaypay, mahina? Bakit taglamig mahaba? Alisin ulap madilim, I-yong presensya'y bawiin; O kunin akong pataas, Wala nang dilim ni ulap. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?