Nananalig ako
1
|
Nananalig ako Sa napakong Kristo, Panginoon! Dinggin Mo ang samo, Patawarin ako, Ako'y angkinin Mo Buhat ngayon. |
2
|
Bigyan ng biyaya, Galak, lakas, sigla Ang puso ko. Iyong dugo'y 'binuhos, Mahal Kitang lubos, Tunay, wagas, taos, Lumalalo. |
3
|
Sa panlupang daan May kapighatian, Umakay Ka. Pahirin luha ko, Nang hindi sumuko, Ilayo sa tukso, At sundin Ka. |
4
|
Buhay—pangarap lang, Halos lunurin ng Kamatayan. Nawa'y Iyong biyaya Al'sin takot, duda; Aliw at pag-asa Ako'y bigyan. |