Bangon, 'king kalul'wa
1
|
Bangon, 'king kalul'wa, Al'sin, takot, sala; Ang nagdugong hain, Para nga sa akin. Sa trono aking garant'ya, Ngalan ko'y nasa palad Niya. |
2
|
Buhay Siyang palagi Namagitan sa 'kin; Pagsintang nagtubos Dugo Niya'y 'binuhos. Dugo'y para sa lahat nga, Winis'kan trono ng b'yaya. |
3
|
Limang sugat tamo, Buhat sa Kalbaryo; Maging ang dalangin, Mabisa sa akin. Ang hiyaw: patawarin siya 'Ligtas, natubos maysala. |
4
|
Nakinig ang Ama Sa panalangin Niya; Di Niya matanggihan Kanyang pinahiran. 'Spiritu tumugong lubos, Ako nga'y 'sinilang ng Diyos. |
5
|
Ipinagkasundo, Patawad natamo; Ako'y kinilala Anak walang duda. Dumulog nang may tiwala Isigaw ko: Abba Ama! |