Poong Hesus nais kong maging sakdal
1
|
Poong Hesus nais kong maging sakdal, Sa aking kalul'wa Ika'y mamuhay; Basagin Mo ang lahat kong diyus-diyosan, Maputi kaysa niebe 'ko'y hugasan. |
Oo, maputi kaysa niebe; Hugasan ako map'ti kaysa niebe. |
|
2
|
Po'ng Hesus di payagang may "di banal," Ang dungis hugasan ng dugong mahal; Nang malinisan, lahat bibitiwan, Maputi kaysa niebe 'ko'y hugasan. Oo, maputi kaysa niebe; Hugasan ako map'ti kaysa niebe. |
3
|
Po'ng Hesus, habag Mo mula sa trono, Ako'y tulungan Mong maghain sa Iyo; Bitiwan ko sarili't kaalaman, Maputi kaysa niebe 'ko'y hugasan. Oo, maputi kaysa niebe; Hugasan ako map'ti kaysa niebe. |
4
|
Poong Hesus, pakumbabang sumamo, Sa 'lalim ng krus naghihintay ako, May panalig sa dugo Mong 'binuhos, Maputi kaysa niebe, mapalubos. Oo, maputi kaysa niebe; Hugasan ako map'ti kaysa niebe. |
5
|
Pangino'ng Hesus, naghihintay ako, Na sa 'king lo'b likhain pusong bago; Sa humiling di Mo tinatanggihan Maputi kaysa niebe 'ko'y hugasan. Oo, maputi kaysa niebe; Hugasan ako map'ti kaysa niebe. |