Pag akin Kang nakita
1
|
Pag akin Kang nakita, Laman ko'y makilala. Biyaya Mo'y gumawa, Nang 'koy mapakumbaba. Nais ko ang manaig, Nguni't laging nadaig; Nais ma'y kabutihan, Sama'y di malayuan. |
2
|
Sa loob nais ko'ng Diyos, Nguni't 'sama ang kilos; Pagbabago ma'y gusto, Bihag ng lumang tao. Sa kautusan ng Diyos, Sala'y nahantad lubos; Nais ko'y gawang buti, Sama ang nangyayari. |
3
|
Natisod at tumayo, Nagpasya nguni't bigo; Gusto kong magtagumpay, Sa lusak nalupaypay. Ako'y bihag ng sala, Walang labang magawa; Walang buti sa laman Pawang sala't kasam'an. |
4
|
Ngayon talos ko ako, Sa lakas dahop ako; Sarili ko'y kakatwa, Ang buhay ko'y masama. Ako'y di-maasahan, Laman may kahinaan; Pag-asang saligan ko, Ang Panginoong Kristo. |
5
|
Sa krus kitlin Mo ako, Akin na ang buhay Mo; 'Spiritu'y pun'in ako Upang gumawa sa Iyo. Kamatayan Mo'y akin Gumawa nang mas 'lalim, Nang sarili'y maglaho At ibuhay si Kristo. |
6
|
Kalagayan ko'y aba, Sino ang magpalaya? Sa patay na katawan, Nang aking panaigan. Dugo'y Kanyang binubo, Kristo'y kabanalan ko; Bilang buhay tinanggap Bahaging di-masukat. |
7
|
Pagkabanal ay lubos, Pagtalima ay taos; Di na muling mahiya, Sa pagdulog sa Ama; Buhay may katayugan Akin nang panaligan Salamat, purihin Ka Ako'y Iyong pinalaya. |