Ngayon ang 'Spiritu Santo
1
|
Ngayon ang 'Spiritu Santo, 'Spiritung buhay-dibino, Bumuhay at nagpasigla, Nang sa layon Niya'y tumugma. |
2
|
Tubig ng buhay sa uhaw, Agos ng buhay ay Ikaw; Tustos sa buhay si Kristo Nais ng puso tin'gon Mo. |
3
|
Ilaw ng buhay sumilay, Dilim sa 'kin humiwalay; Kristo'y tustos bilang ilaw, Nang gabi ko'y maging araw. |
4
|
Sa lakas ng Kanyang buhay, Taong panloob tumibay; Bilang lakas, Kristo'y tustos, Sa Kanyang balak kumilos. |
5
|
Dahil sa utos ng buhay, 'Laya sa utos ng sala; Sa dibinong kalikasan, Ako ay naregulahan. |
6
|
Espiritu ng buhay Siya, Sa aki'y nagpapabunga; Nahayag katangian Niya, Sa buhay binahagi Siya. |
7
|
Ang Espiritu ng buhay, Gawa'y magtustos ng buhay; Nagtransporma, nagpabago, Nang mapawangis kay Kristo. |
8
|
Gamitin Mo, Panginoon, 'Spiritu ng buhay ngayon, Katauhan ko'y puspusin, Nang ikaw mahayag sa 'kin. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?