Saan man may tao, balita'y ikalat

CB245 C197 E245 K197 P132 T245
1
Saan man may tao, balita'y ikalat,
Kung sa'n puso't lungkot ng tao laganap;
Bawa't Kristiyano, buong galak maghayag:
Mang-a'liw narito!
 
Mang-a'liw narito! Mang-a'liw narito!
Ipinangako na Espiritu Santo!
Mabuting balita, ikalat sa mundo,
Mang-a'liw narito!
2
Mahabang gabi lumipas umaga na,
Pagtangis nahinto maging ang pagluha;
Mga gintong bundok nagpapakita na -
Mang-a'liw narito!
 
Mang-a'liw narito! Mang-a'liw narito!
Ipinangako na Espiritu Santo!
Mabuting balita, ikalat sa mundo,
Mang-a'liw narito!
3
Lunas ay dala ng liwanag ng Hari,
Laya para sa bawa't bihag at api;
Sa hungkag na selda, dumagsa'ng papuri:
Mang-a'liw narito!
 
Mang-a'liw narito! Mang-a'liw narito!
Ipinangako na Espiritu Santo!
Mabuting balita, ikalat sa mundo,
Mang-a'liw narito!
4
Pag-ibig ng 'Spiritu di mabigkas ko,
Sa mga tao sabihing biyaya Mo,
Naging Iyong kasama, ang maysalang ako!
Mang-a'liw narito!
 
Mang-a'liw narito! Mang-a'liw narito!
Ipinangako na Espiritu Santo!
Mabuting balita, ikalat sa mundo,
Mang-a'liw narito!
5
Hanggang may pagtugon, lak'san ang pag-awit,
Nangagsiawit mga anghel sa langit;
Pag-ibig kay tamis, papuri ko'y higit:
Mang-a'liw narito!
 
Mang-a'liw narito! Mang-a'liw narito!
Ipinangako na Espiritu Santo!
Mabuting balita, ikalat sa mundo,
Mang-a'liw narito!