Kamangha-mangha, Pangino'n

B125 C177 CB233 E233 F229 G233 K177 P126 R170 S103 T233
1
Kamangha-mangha, Pangino'n,
Na kata ay nagkaisa,
Ako'y sa Iyo, Ika'y sa akin,
Kamangha-manghang hiwaga!
Kamangha-mangha, Pangino'n,
Na kata ay nagkaisa,
Ako'y sa Iyo, Ika'y sa akin,
Kamangha-manghang hiwaga!
2
Buhay Mo'y sinakripisyo
Nang maging sangkap Mo ako;
Sa krus Ikaw ay nagdugo,
Sa sala ako'y hinango.
Buhay Mo'y sinakripisyo
Nang maging sangkap Mo ako;
Sa krus Ikaw ay nagdugo,
Sa sala ako'y hinango.
3
Sa pagkabuhay-na-muli,
Bilang Espiritu ngayon,
Pumasok Ka't ibahagi
Lahat Mong yaman, Pangino'n.
Sa pagkabuhay-na-muli,
Bilang Espiritu ngayon,
Pumasok Ka't ibahagi
Lahat Mong yaman, Pangino'n.
4
Inalaala Ka namin
Sa sagisag nasa mesa,
Salamat sa Iyong layunin,
At sa dinanas Mong dusa.
Inalaala Ka namin
Sa sagisag nasa mesa,
Salamat sa Iyong layunin,
At sa dinanas Mong dusa.
5
Hatid ng saro't tinapay
Katamisan ng Iyong tustos,
Sa espiritu 'binigay
Ang pagtatamasang lubos.
Hatid ng saro't tinapay
Katamisan ng Iyong tustos,
Sa espiritu 'binigay
Ang pagtatamasang lubos.
6
Kumain, uminom nawa,
Hanggang sa mapuspusan na
Sa 'spiritu ng Iyong mana,
Tunay Kang ginugunita.
Kumain, uminom nawa,
Hanggang sa mapuspusan na
Sa 'spiritu ng Iyong mana,
Tunay Kang ginugunita.