Di ako patatalo, dahil sa Kalbaryo
1
|
Di ako patatalo, dahil sa Kalbaryo, Doon si Hesus nagtagumpay sa kaaway, Panginoon bigyan akong pangitain Mo; Lakas ng Espiritu ang Iyong ibinigay. |
Tagumpay, tagumpay dahil sa Kalbaryo. Gawing matagumpay ako; O, Panginoon, sa loob Mo. |
|
2
|
Di ako patatalo, sa labang nilusob Ni Kristo at tinawag akong makibaka; Panginoon, ako’y bigyan ng lakas-loob, Espiritu ng lakas, ihahayag ko Siya. |
3
|
Di ako patatalo, si Hesus nanguna Sa marahas na landas tungo sa luklukan, Bigyan mo ang sundalo—tabak ng Salita, Tagumpay ay dulot ng Iyong kapangyarihan. |
4
|
Di ako patatalo, paglubog ng araw Si Hesus ay handang ako’y gantimpalaan, Panginoon, l’walhati Mo ay matanaw, Ako’y matagumpay hanggang sa katapusan. |