Sugod, sundalo, sugod
1
|
Sugod, sundalo, sugod! At makipagbaka; Awitin ng paglusob - “Tayo’y nanalo na!” Karimlan ay umurong, Satanas nabagbag; Hari nati’y sumulong, Tagumpay nahayag. |
2
|
Sugod, sundalo, sugod! Si Hesus masdan mo, Gantimpala mo’y trono, Kung ika’y nanalo. ’Spirituwal ang labanan Hindi makalupa; Tayo’y pinaligiran Ng puwersang masama. |
3
|
Sugod, sundalo, sugod! Kamtin mo ang trono, Pagkabuhay ni Kristo Ang kalakasan mo. Kapangyariha’y Kanya, Kaaway puksain, Ika’y itataas Niya, Tagumpay awitin. |
4
|
Sugod, sundalo, sugod! Trono’y para sa iyo, Sa piging Niya magsalo, Lubos ang galak mo. Nabuhay kasama Niya, Lumuklok sa langit, Malayo na sa giyera, Sa sala’t ligalig. |
5
|
Sugod, sundalo, sugod! Manahin ang trono, Sa lupa ka hinango, Kaharia’y sa iyo, Hinaharap maganda, Walang takot, dilim, Kristo’y laging kasama, Pag-ibig Niya’y kamtin. |
6
|
Galak ang sigaw, sugod! Kamtin mo ang putong! Awit-tagumpay ’sulong Sa bundok ng Sion. Kordero’y nagtagumpay! At nasa trono Siya! Puri’t galak ialay, Dapat manaig Siya. |