Bago mundo’y naitakda
1
|
Bago mundo’y naitakda, Bugtong na Anak, Sinta; Pinagmulan, hanggana’y Siya, Ang Alpha at Omega. Mga bagay na sa ngayon Sa darating at noon Magpakailanpaman. |
2
|
Ito nga Siyang noong una, Pinag-usapan nila; ’Pinangako sa Salita, At ng mga propeta. Nagniningning na Siya ngayon Purihin ang Pangino’n Magpakailanpaman. |
3
|
Kataas-taasang langit, Sa Kanya’y magsiawit; Sa Kanya ay magyukuran Lahat ng pamunuan Lahat ng dila’y pupuri Sa mal’walhating Hari Magpakailanpaman. |
4
|
Sa Diyos Ama, Sa Iyo, Kristo, Sa Espiritu Santo: Awit, pasalamat, himno. Papuring walang hinto; Tagumpay na walang hanggan, L’walhati’t karangalan. Magpakailanpaman. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?