Sa ’spiritu ’pinanganak
1
|
Sa ’spiritu ’pinanganak, Nang sa Diyos maging anak; ’Spiritu ng Diyos natamo, ’Nahan sa ’spiritu ko. Mas dapat ko Siyang tamuhin, Nang ako’y Kanyang pun’in; ’Spiritu ako’y puspusin, Buhay pasaganahin. |
2
|
’Spiritu Santo nasa ’kin, Spiritu ng buhay rin; Nang sagana’y matamasa, Sa kung ano nga Si-ya. ’Spiritu aking kailangan, Lakas sa kataasan, Nang sa Kanya’y masangkapan, Ikaw mapaglingkuran. |
3
|
Bautismuhan ng ’Spiritu, Bihisan ng lakas Mo; Sa “balaba” ng lakas Mo, Kaaway Mo’y matalo. Dilang apoy kami’y bigyan, Hangin Mo kami’y hipan, Maging saksing pinahiran, Puso Mo’y masiyahan. |
4
|
May lakas na ng ’Spiritu, Kaloob kailangan ko; Nang makapagpangsyon ako, Kasama ng sangkap Mo. Sa pagbuhos ng ’Spiritu, Kaloob bigyan ako; Nang Katawan Mo’y matayo, Bunga ng pag’pala Mo. |
5
|
Para sa glorya’t kahar’an, Katawan Iyong pakinggan; Tugunan lahat na hiling, Matupad Iyong layunin. Mayaman akong puspusin, Espiritu’y gamitin; Sa loob at labas pun’an, Kaloob bahaginan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?