Ama, biyaya’t dunong Mo
1
|
Ama, biyaya’t dunong Mo, Natipon kay Kristo. Dah’l sa Kanya’y may biyaya, Aming dunong ay Siya. |
2
|
Lahat Mong plano’y sa Kanya, Daan ng b’yaya Siya. Lahat na dunong sa Kanya, Sa Iyo nga ang glorya. |
3
|
Katuwiran namin ay Siya, Kami’y matwid na nga; Aming kabanalan ay Siya, Kami’y banal na nga. |
4
|
Katubusan din sa’min Siya, Sa plano Mo Ama; Nang matubos kaming ganap, Maging taong ganap. |
5
|
Sa Iyong ekonomya, Ama, Iyong karunungan Siya. Dahil nga sa Kanya kami Sa Iyo’y pumupuri. |
6
|
Hayag Iyong dunong sa Kanya, Malalim, sagana; Nguni’t mas ang yama’t lalim Daan Mo sa amin. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?