Hesus, kasama Ka namin
1
|
Hesus, kasama Ka namin Sa dulang nakahain, Nagsasalo sa handaan, Ika’y pararangalan. Sandali ay mahalaga, Sa hapag kapiling Ka; Tamis ng kapahingahan Sa Iyo lamang makamtan. |
2
|
Ang galak sa Iyong presensiya, Espiritu ’ng nagdala; Nag-aalaala rito Sa Iyong daloy ng dugo. Sagisag tanggapin namin At Ika’y gunitain: Katawan Mo ay nawasak, Dugo Mo ay dumanak. |
3
|
Kay galak, Ika’y makita Sa sagisag ng b’yaya; Sa panustos na tinapay, Alak nakabubuhay! Masdan Mong nagpulong kami, Kaisa Mo’t kabahagi - Putul-putol na tinapay, Saro ng pagpapala. |
4
|
Hesus, tunay ang pangako, Sa pulong ay kadalo, Nagtitipon sa ngalan Mo, Nagtamasang totoo; Mahal lalo ang pangako Sa umaasang puso, Sa Iyo muling makisalo Sa kasal ng Kordero. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?