跳到內容
hymnal.net
hymnal.net
我的詩歌列表

已達下載上限

Tayo’y sa hapag Niya nagtitipun-tipon

PAPURI SA PANGINOON PAG-AALAALA SA KANYA

Tagalog1106
1
Tayo’y sa hapag Niya nagtitipun-tipon:
Tinatanghal sa pagkain, pag-inom.
Inihayag pagkakaisa sa Kanya,
Nababatid lubos ang pagpapala Niya.
2
Ang tinapay ng katawan Niyang nabasag
Ating tinatamasa na sa hapag:
Iisang tinapay—iisang Katawan,
Pagkakaisa ay pinatotohanan.
3
Ating iniinom saro’ng pagpapala,
Salamuhang tunay ng ekklesia;
Lahat ng tinubos ating tinatanggap,
Mga sumasampalataya nang ganap.
4
“Aleluya” lamang, masasabi natin
Sa katotohanang napasa atin.
Ang dugo’t Katawan Mo’y aming tamasa;
Mapasa Iyo ang mal’walhating ekklesia.

Delete Comment

要刪除此留言嗎?此動作無法復原。

Lito Reyes

Montreal, QC, Canada

九月 13, 2026

Hallelujah, iniinom natin Ang saro ng pagpapala at Ang tinapay na sagisag ng Katawan ni Kristo, nagpapatunay na tayo ay nasa loob ng kaisahan ng Tres-Unong Diyos.

閱讀更多
Noel C. Baquiran, Jr

Tumauini, Isabela, Philippines

十月 13, 2024

Ating iniinom saro’ng pagpapala,
Salamuhang tunay ng ekklesia;
Lahat ng tinubos ating tinatanggap,
Mga sumasampalataya nang ganap.

閱讀更多