Pangino’n Manananggol Ka

C153 CB201 E201 K153 P109 R149 T201
1
Pangino’n Manananggol Ka,
’Ming Taga-aliw pa,
Aming Tagapamagitan,
Sa Kanyang harapan.
Pangino’n Manananggol Ka,
’Ming Taga-aliw pa,
Aming Tagapamagitan,
Sa Kanyang harapan.
2
Tagapagtanggol Ka namin,
Tagasamo Ka rin,
Kami’y ’pinananalangin,
Lubhang matulungin.
Tagapagtanggol Ka namin,
Tagasamo Ka rin,
Kami’y ’pinananalangin,
Lubhang matulungin.
3
Ayon nga sa lugod ng Diyos,
Gumawa Kang lubos,
Sa langit at sa loob ko,
Lahat nilutas Mo.
Ayon nga sa lugod ng Diyos,
Gumawa Kang lubos,
Sa langit at sa loob ko,
Lahat nilutas Mo.
4
Nananahang Espiritu,
Tagapan’langin ko;
Manananggol Ka sa langit,
Sa lo’b humihibik.
Nananahang Espiritu,
Tagapan’langin ko;
Manananggol Ka sa langit,
Sa lo’b humihibik.
5
Laging buhay, ayon sa Diyos
Nagbibiyaya nang lubos;
Sa buhay ng pagkabuhay,
Lakas sa lo’b taglay.
Laging buhay, ayon sa Diyos
Nagbibiyaya nang lubos;
Sa buhay ng pagkabuhay,
Lakas sa lo’b taglay.
6
Nagbigay buhay ’Spiritu,
Lakas sa hina ko;
Sa ’king ’spiritu, lakas Mo,
Kinabubuhay ko.
Nagbigay buhay ’Spiritu,
Lakas sa hina ko;
Sa ’king ’spiritu, lakas Mo,
Kinabubuhay ko.
7
Sa Iyong pag-ibig at awa,
Laging naglingkod Ka;
Kami ang Iyong kapuspusan,
Ikaw aming tanan.
Sa Iyong pag-ibig at awa,
Laging naglingkod Ka;
Kami ang Iyong kapuspusan,
Ikaw aming tanan.