Hebreo 8
Hebreo 8 | |
1
|
Sa trono ni Hesu-Kristo, Dinala Niya tayo. Mundo, dyablo, sarili’t sala Nasa ating paa! Tapos na gawa ni Kristo, Humahantong nga rito; Di na kawawang maysala, Kundi mapa-glorya. |
2
|
Nanahan sa bahay ng Diyos, Mal’walhating lubos. Umu’rong, mababang buhay, Di natin tinaglay! Pagpasya, isip, damdamin Atin nang lisanin; Sa Kabanal-banalan nga Tayo’y mapunuan Niya. |
3
|
Tayo’y nasa Bagong Tipan: Buhay kautusan, Transpormasyon nangyayari, Diyos ’ting pag-aari; Tayo naman Kanyang bayan - ’Nong katotohanan; Sa lo’b natin, Diyos atin na, Lubos dinakila. |
4
|
Diyos nagbigay karagdagan; Dapat maalaman: Sala’y pinawi ni Hesus, Nilimot nang lubos; No’ng nagdaan na dos siglo Nangyari na ito. Ngayo’y utos ng buhay na, Sa ’tin nagdadala. |
5
|
Natupad dalawang bagay Sa krus Niya’y matunghay: Utos ng buhay lumaya, Kanyang ekonomiya; At katapusan ng sala, Natupad gawa Niya! Siya’y naluklok, napahinga; Tam’hin Kanyang mana. |
6
|
Bitiwan lumang konsepto, Kunin daang wasto; Bawa’t mana gamitin, Ikaw ay purihin. Mataas na Saserdote, Lalapit na kami - Hanggang maabot layunin: Bagong Herusalem! |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?