Kahanga-hangang pagtubos
1
|
Kahanga-hangang pagtubos Buhat sa Iyo, Hesus. Di nakita, di nabatid Sa ’kin, pinahatid. Mahiwaga’t dibino Ka, Higit sa mawika! Katubusang mahiwaga, Kapuri-puri nga! |
2
|
D’hil sa ’min Ika’y tinulos, Dugo’t tubig ’magos; Buhay ang napasa amin, Nang kami’y tubusin. Sa dugo’y nilinis kami, Nang matanggap, kami ’Sinilang-muli, sa buhay Ika’y kaisang tunay. |
3
|
Trigong butil, namatay Ka. Maraming ’binunga, At nabuong Iyong Katawan, Pinag-isang tanan. Kami ay Iyong karagdagan Ika’y nilalaman, Nabubuhay Ka sa amin. At nahahayag din. |
4
|
Yamang kami’y Iyong Katawan, Sa ami’y tumahan; Tahanan Mo’y kamtin sa ’min, Kami’y Iyong manahin. Puso Mo’y bigyang-ligaya, Kami’y kapareha, Bilang Katawan Mong isa, Lahat Mo’y tamasa. |
5
|
Habang ginugunita Ka, Sagisag nakita; Pagtubos dakila’t puno, Papuri ay sa Iyo. Yamang kami’y Iyong Katawan, Sinta at tahanan, Pasalamat at papuri, Pagsamba’y Iyong lagi. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?