跳到內容
hymnal.net
hymnal.net
我的詩歌列表

已達下載上限

Buhay ay isang iglap

EBANGHELYO PAGHIKAYAT

Tagalog1043
1
Buhay ay isang iglap,
Tulad ng mga ulap,
Sindali ng pangarap,
Agapan!
Panaho’y lumilipas,
Buhay ay nagwawakas,
Pagdaka’y pahimakas,
Agapan!
 
Agapan! Agapan!
Tawag ka ni Hesus, iyong agapan,
Kung mabalam sa sala,
Baka mapagsarhan ka,
At tawag mo’y huli na,
Agapan!
2
O pantas, tingnan mo nga,
Bulaklak nalalanta,
Kabataa’y tatanda,
Agapan!
Magtuos nang maaga,
Baka maabutan ka -
Walang hanggang parusa,
Agapan!
3
Ang Espiritu Santo,
Nagsusumamo sa iyo,
Nang buhay matanggap mo,
Agapan!
Tanggapin biyaya Niya,
Nang di mapahamak ka,
Mag-atubili’y huwag na,
Agapan!
4
Pakinggan mo, salarin,
Manliligtas piliin,
Langit magagalak din,
Agapan!
Ang liwanag tunguhin,
Panginoon tanggapin,
Lumapit ka ngayon din,
Agapan!

Delete Comment

要刪除此留言嗎?此動作無法復原。