Di ako patatalo, dahil sa Kalbaryo

C648 CB877 D877 E877 K648 S395 T877
1
Di ako patatalo, dahil sa Kalbaryo,
Doon si Hesus nagtagumpay sa kaaway,
Panginoon bigyan akong pangitain Mo;
Lakas ng Espiritu ang Iyong ibinigay.
Di ako patatalo, dahil sa Kalbaryo,
Doon si Hesus nagtagumpay sa kaaway,
Panginoon bigyan akong pangitain Mo;
Lakas ng Espiritu ang Iyong ibinigay.
 
Tagumpay, tagumpay
dahil sa Kalbaryo.
Gawing matagumpay ako;
O, Panginoon, sa loob Mo.
Tagumpay, tagumpay
dahil sa Kalbaryo.
Gawing matagumpay ako;
O, Panginoon, sa loob Mo.
2
Di ako patatalo, sa labang nilusob
Ni Kristo at tinawag akong makibaka;
Panginoon, ako’y bigyan ng lakas-loob,
Espiritu ng lakas, ihahayag ko Siya.
Di ako patatalo, sa labang nilusob
Ni Kristo at tinawag akong makibaka;
Panginoon, ako’y bigyan ng lakas-loob,
Espiritu ng lakas, ihahayag ko Siya.
3
Di ako patatalo, si Hesus nanguna
Sa marahas na landas tungo sa luklukan,
Bigyan mo ang sundalo—tabak ng Salita,
Tagumpay ay dulot ng Iyong
kapangyarihan.
Di ako patatalo, si Hesus nanguna
Sa marahas na landas tungo sa luklukan,
Bigyan mo ang sundalo—tabak ng Salita,
Tagumpay ay dulot ng Iyong
kapangyarihan.
4
Di ako patatalo, paglubog ng araw
Si Hesus ay handang ako’y gantimpalaan,
Panginoon, l’walhati Mo ay matanaw,
Ako’y matagumpay hanggang sa katapusan.
Di ako patatalo, paglubog ng araw
Si Hesus ay handang ako’y gantimpalaan,
Panginoon, l’walhati Mo ay matanaw,
Ako’y matagumpay hanggang sa katapusan.