Ikaw Mismo’y antigo nga
1
|
Ikaw Mismo’y antigo nga, Umiral bago pa Nang walang hanggang simula Ika’y walang hanggang Ama. |
2
|
Bagama’t naging tao Ka, Katulad Ka nga ng Ama; Gaya Niya sa kasakdalan, Gaya ng Diyos walang hanggan. |
3
|
Iyong pinagmulan tulad Niya Bago pa ng sangnilikha; Bago pang pinakauna, Ikaw na nauna’t una. |
4
|
Walang mga ito sa Iyo: Pagkaluma, pagbabago, Wala nang uuna sa Iyo Wala ring huhuli sa Iyo. |
5
|
Wala ka ngang pagkaiba, Katulad ng Diyos na Ama; Ikaw ay Una at Alpha Gayunding Huli’t Omega. |
6
|
Sa Iyong pagkawalang hanggan Maging Iyong kasakdalan, Maging sa Iyong kapuspusan Ika’y dapat papurihan. |