Daang buhay ay nabuksan
1
|
Daang buhay ay nabuksan Nang tabing nahapak; Makadulog ako sa Iyo, Dahil sa Iyong dugo. |
2
|
Nasa kabanal-banalan, D’hil sa katubusan; Pagpahid ng Iyong ’Spiritu, Trono ay nahipo. |
3
|
Sundin ’spiritu di ako, Sunuging insenso; Manalangin sa ’spiritu Hayag ang samyo Mo. |
4
|
Mula sa trono ng b’yaya, May biyaya’t awa; Tulong na napapanahon, Bigay ng Pangino’n. |
5
|
Di nga bagay dinalangin, ’Spiritu lang sundin; Lahat nga ng kailangan ko Inilalaan Mo. |
6
|
Bagama’t may bigat, hirap, Di na na’bagabag; Nang sa Iyo ko ipinasa ’Spiritu’y lumaya. |
7
|
Sa pagsalamuha sa Iyo ’Binuhos loob ko; Sundin lamang ’Spiritu Mo, Sa panalangin ko. |