Magiliw ang Kanyang tinig
Magiliw ang Kanyang tinig
1
|
Magiliw ang Kanyang tinig, Tinawag ako ni Hesus, Aniya sa aking pandinig, “Sumunod ka, dalhin mo ang krus.” |
Dadalhin ang krus, at sundan Si Hesus ang aking sundan; Sundan ko kahit saan man, Tatahakin ang Kanyang daan. |
|
2
|
Kahit madilim ang daan, Paa ko’y pagod, sugatan, Nguni’t puso may k’aliwan, Si Hesus ang lagi kong sundan. |
3
|
Hesus, ako’y pangunahan, Sinag Mo ako’y tanglawan, Kung mahina, alalayan, Si Hesus ang lagi kong sundan. |
4
|
Sa lambak Siya ang kaibigan, Manna ako’y tinustusan, Bawa’t oras, Siya’ng kailangan, Si Hesus ang lagi kong sundan. |
5
|
Puso Mo ako’y tanganan, Pag-ibig Mo’y kaaliwan, Biyaya Mo’y tumataban, Si Hesus ang lagi kong sundan. |
6
|
Di Kita maaaring iwan, Ako’y tapat magpakailanman, Pag-ibig Mo’y walang hanggan, Si Hesus ang lagi kong sundan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?