Halina mga may sala
1
|
Halina mga may sala, Maysakit, nanghihina; Magligtas Hesus ay handa, Puno ng sinta’t awa: Kayang-kaya, kaya nga Niya, H’wag magduda, nais Niya. |
2
|
May kulang at may kailangan; Tanggapin libreng yaman; Maniwala’t magsisi ka, Mabibigyan kang b’yaya, Walang bayad, libreng-libre, Kay Kristo ka bumili. |
3
|
Huwag hayaan ang budhi mo, Magpaantala sa iyo; Pa’ngai-langan mo sa Kanya Ginawang marapat ka: Ibibigay nga Niya sa Iyo, Ang Espiritu Santo. |
4
|
Halikayong mga pagod, Wasak sa pagkatisod; Kung magpapakabuti pa, Ang daratnan mo’y wala. Di ang mat’wid pinuntahan, Kundi makasalanan. |
5
|
Manunubos nanalangin, Namighati sa hardin; Sa duguang krus masdan Siya! Makinig sa sigaw Niya, “Natapos na!” “Natapos na!”, Di ba ito’y sapat na? |
6
|
Umakyat Diyos na ’ging laman, Bisa ng dugo’y tangan; Asahan Siya, nang lubusan; Huwag mag-alinlangan: Hesus lamang maasahan, Gawan kang kabutihan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?