Bakit ako mangangamba

C235 CB1003 E1003 F196 G1003 K235 P443 R741 S466 T1003
1
Bakit ako mangangamba?
Di ba ang Diyos ang nagpasiya,
Sala ko’y pasanin?
Kristo’ng nagbayad ng utang,
Diyos ba’y muling mag’paratang,
At ako’y singilin?
Bakit ako mangangamba?
Di ba ang Diyos ang nagpasiya,
Sala ko’y pasanin?
Kristo’ng nagbayad ng utang,
Diyos ba’y muling mag’paratang,
At ako’y singilin?
2
Ang Panginoo’y nagtubos,
Kabayaran ay nalubos,
Lumaya sa utos!
Poot ng Diyos—di na takot,
Pagka’t dugo Niya’y panagot
Tinakpan nang lubos.
Ang Panginoo’y nagtubos,
Kabayaran ay nalubos,
Lumaya sa utos!
Poot ng Diyos—di na takot,
Pagka’t dugo Niya’y panagot
Tinakpan nang lubos.
3
Patawad para sa akin
Buung-buo Iyong naangkin,
Sala ay tinuos;
Di sisingil sa dalawa
Ang Diyos: sa Anak Niyang sinta,
Sa ’kin pagkatapos.
Patawad para sa akin
Buung-buo Iyong naangkin,
Sala ay tinuos;
Di sisingil sa dalawa
Ang Diyos: sa Anak Niyang sinta,
Sa ’kin pagkatapos.
4
Ngayon ako’y matiwasay,
Gawa ni Kristo’y mahusay,
Ako’y pinalaya;
Dahil sa mabisang dugo,
Di na hahatulan ako,
Ako’y natubos na.
Ngayon ako’y matiwasay,
Gawa ni Kristo’y mahusay,
Ako’y pinalaya;
Dahil sa mabisang dugo,
Di na hahatulan ako,
Ako’y natubos na.