â Di mo pa kaya Siya nakita
1
|
â Di mo pa kaya Siya nakita? Puso mo’y di pa naakit Niya? Una Siya sa lahat, iyong bahagi, Sa iyo ang pinakamabuti. |
Unang tao Ka sa laksa-laksa! Bihagin Mo aking puso’t mata, Mga diyus-diyusan binasag ko na, Unang tao Ka sa laksa-laksa! |
|
2
|
Karangyaan ng mundo’y pawing Nakababaliw na diyus-diyusan, Tubog sa ginto: tukso ng luho, Babad sa pulot: silo sa iyo. |
3
|
Laos ang ganda ng diyus-diyusan Hindi dahil sa kabiguan, Kundi sa pagsilay ng mahal na “Walang kaparis na halaga!” |
4
|
Nagiging abo ang diyus-diyusan Hindi sa gawang sapilitan; Kundi sa ganda at pag-ibig Niya Na dumaloy at napakita. |
5
|
Sino’ng papatay ng ilawan Kundi sa pagbukang-liwayway? Sino ang liligpit ng pangginaw Kundi dumating ang tag-araw? |
6
|
Ang luhang nakita ni Pedro, Mukhang nakita ni Esteban, Pusong nakitangis kay Maria, Ang nagligtas sa makalupa. |
7
|
Kaawaan at akitin Mo Hanggang mapuno ang puso ko; Kami’y Iyong tinubos, Iyong kasama, Sa diyus-diyusan may ugnay pa ba? |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?