Poon, magpapal’yok Ka

1
Poon, magpapal’yok Ka,
At Tagapagtayo pa;
Sisidla’y hinuhubog,
Tahana’y ginagawa.
Ako ay isang tao
Na kapwa l’wad at bato,
Nang maging Iyong sisidlan
At sariling templo Mo.
2
Kahit na kami ay l’wad,
Nais Mong matransporma,
Tulad sa purong ginto,
Batong mahahalaga;
Kami’y sa pagtatayo
Gagawing kasintahan,
Kaisang Katawan Mo,
Puso Mo’y masiyahan.
3
Ang Iyong nais at hangad,
Di batong nag-iisa,
Kundi ang Iyong tahanan,
Tinayong sama-sama.
O Kristong tunay saklaw,
Ekklesia ang Iyong hangad,
Nang ang Iyong kayamanan
Lubusang maisinag.
4
Di ’spirituwal na tao
Na lubhang mapag-isa,
Buhay-pangmaramihan,
Hangad Mo’y ma’pakita.
Sangkap na na’hiwalay,
Di Ka sakdal na’hayag,
Katawang pinaglangkap.
Kapuspusa’y nahayag.
5
Itayo Mo, Pangino’n,
Kasama’ng mga banal,
Mag-isa’y huwag tulutan,
Ilangkap Mo nang sakdal.
Sa ’king karanasan at
Kaloob di magyabang,
Lahat nami’y ’bibigay,
Iyo ang kal’walhatian.