Nahayag sa Anak Iyong pagsinta

B53 C50 CB53 E53 K50 R42 T53
1
Nahayag sa Anak Iyong pagsinta,
Papurihan Iyong Ngalan, Diyos Ama.
Kanyang hinamak ang kahihiyan.
Upang matupad Iyong kalooban.
Nahayag sa Anak Iyong pagsinta,
Papurihan Iyong Ngalan, Diyos Ama.
Kanyang hinamak ang kahihiyan.
Upang matupad Iyong kalooban.
2
Nanguna sa maraming kapatid,
Panganay na Anak sa pag-awit.
May ’tinaas Niyang tinig nagpuri,
Sa ’spiritu nagpuri rin kami!
Nanguna sa maraming kapatid,
Panganay na Anak sa pag-awit.
May ’tinaas Niyang tinig nagpuri,
Sa ’spiritu nagpuri rin kami!
3
Sa Sinisintang Anak pinili,
Sa Iyong kagalaka’y may bahagi;
Bago pa ng mundo’y naitakda,
Makabahagi sa buhay, b’yaya.
Sa Sinisintang Anak pinili,
Sa Iyong kagalaka’y may bahagi;
Bago pa ng mundo’y naitakda,
Makabahagi sa buhay, b’yaya.
4
Mga nagtamo ng pag-ibig Mo
Sa ’spiritu’y lubusang nabago.
Bawa’t isa may katangian Niya,
Walang hanggang galak ay sa Kanya.
Mga nagtamo ng pag-ibig Mo
Sa ’spiritu’y lubusang nabago.
Bawa’t isa may katangian Niya,
Walang hanggang galak ay sa Kanya.