Hesus ’ko’y Iyong sulyapan
1
|
Hesus ’ko’y Iyong sulyapan Kasimplihan ay bigyan; Dukhain, pababain Kilanlin Ka’y naisin. |
2
|
Sa sariling palalo Hidhid sa yamang, ako Pag-uyam at papuri Iwalay ang sarili. |
3
|
Mayabang na sarili Lalo pang isantabi Sumuko sa Iyong gusto Sa paa Mo’y yumuko. |
4
|
Matulad sa ’sang bata Lakas, dunong masira; Ang Iyong ilaw at lakas Masdan, lumakad wagas. |
5
|
Pagod na kaluluwa Sa Iyo’y nagpapahinga; Kapayapaan ng Diyos ’Ramdam dugong umagos. |
6
|
Mamuhay na ganito Nagpupuri sa Iyo; Mamatay mang ganito Hosanna pa rin sa Iyo. |