Puso ko’y humabol sa Diyos Mismo

B207 C270 CB350 D350 E350 G350 K270 LSM82 R258 S167 T350
1
Puso ko’y humabol sa Diyos Mismo,
Hindi sa mabuting kapalaran;
Kanyang biyaya, di sarili ko
Ang pumatnubay sa kabanalan.
Puso ko’y humabol sa Diyos Mismo,
Hindi sa mabuting kapalaran;
Kanyang biyaya, di sarili ko
Ang pumatnubay sa kabanalan.
2
Pag-ibig, pananampalataya,
Ang batayan ko, nang Diyos makamtan,
Sa sarili ko’y ililigtas Niya,
Hanggang ako’y Kanyang mapuspusan.
Pag-ibig, pananampalataya,
Ang batayan ko, nang Diyos makamtan,
Sa sarili ko’y ililigtas Niya,
Hanggang ako’y Kanyang mapuspusan.
3
Kahit nakakatakot ang daan,
Kahit malaki ang kabayaran,
Alam ng Diyos ang aking kailangan,
Sa landas Niya ako’y gagabayan.
Kahit nakakatakot ang daan,
Kahit malaki ang kabayaran,
Alam ng Diyos ang aking kailangan,
Sa landas Niya ako’y gagabayan.
4
Di Siya nagkakamali, alam ko,
Hahabulin Siya, ang gagawin ko,
Araw-araw Siya’y aking matamo,
Gawad ko ang l’walhati—Diyos Mismo.
Di Siya nagkakamali, alam ko,
Hahabulin Siya, ang gagawin ko,
Araw-araw Siya’y aking matamo,
Gawad ko ang l’walhati—Diyos Mismo.
1
Vincent Hernandez

Phillippines, Bacoor, Philippines

What a wonderful song oh how I love you Lord !!!! I just want to be with you Lord <3 Amen