B’yaya! mapang-akit
1
|
B’yaya! mapang-akit, Tugma sa pandinig; Umalingawngaw sa langit, Sa lupa’y marinig. |
Biyayang sapat! Lakas di salat! Kristo sa ’kin nanahan, Sa kasaganaan. |
|
2
|
Biyaya’y sinulat Ngalan ko sa aklat; Sa Kordero ’ko’y ’tinapat, Ako’y pinatawad. |
Biyayang sapat! Lakas di salat! Kristo sa ’kin nanahan, Sa kasaganaan. |
|
3
|
Biyaya sa akin Nagturong maglakbay; Bagong panustos kakamtin, Kung Diyos ang mag-akay. |
Biyayang sapat! Lakas di salat! Kristo sa ’kin nanahan, Sa kasaganaan. |
|
4
|
Biyaya’ng nagturo, Pa’nong manalangin; Hanggang ngayo’y namumuno, Di ako p’alisin. |
Biyayang sapat! Lakas di salat! Kristo sa ’kin nanahan, Sa kasaganaan. |
|
5
|
Biyaya’y maggawad - Walang hanggang putong; Sa pag-ibig siya’y nagbuhat, Sa puri’y hahantong. |
Biyayang sapat! Lakas di salat! Kristo sa ’kin nanahan, Sa kasaganaan. |
|
6
|
Nawa’y bigyan ako, Biyayang malakas; Nang maialay ko sa Iyo, Ang lahat kong oras. |